HOME
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
NATIONAL MAPPING AND RESOURCE INFORMATION AUTHORITY
Department of Environment and Natural Resources
   
You are here > Home > Resources > News and Events

News and Events
  


Masaya, matagumpay, at nagkakaisang pagdiriwang para sa ika-32 anibersaryo ng NAMRIA
NAMRIA Events | Jeff Aguillon | 5 August 2019 | Print
 
Ang mga pinuno at empleyado ng NAMRIA, sa pangunguna ni Tagapamahala, Usec. Peter N. Tiangco, ay nagdiwang ng ika-32 anibersaryo ng ahensiya na may temang “Kapistahan sa NAMRIA: Sama-samang Paglalakbay tungo sa Kasiyahan, Tagumpay, at Pagkakaisa,” sa covered court ng ahensiya nung 01 July 2019.   
 
Parada ng pagdiriwang palibot sa bakuran ng NAMRIA -- VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
Ang Support Services Branch (SSB), na pinamumunuan ni Tagapamatnubay Febrina E. Damaso, ang nagsilbing host na sangay sa taon na ito.  Sa kanyang pambungad na salita, ipinaliwanag niya na ang pagdiriwang na pista ang tema ay isang pasasalamat sa mabubuting taon at mga mabubuting bunga ng pagtatrabaho, mga tagumpay, at higit sa lahat, isang pagkilala at pagpapahalaga sa lahat ng mga kawani ng ahensiya na siyang pinakamahalaga sa organisasyon.
 
Iniaabot ni NAMRIA Chief of Staff Rowena E. Bongalos kay Tagapamahalang Tiangco,
ang premyo na napanalunan mula sa patimpalak ng DENR kung saan nakamit ng 
NAMRIA ang ika-3 na puwesto. - - ERLITO P. SABEROLA
 
 
Binanggit ni Tagapamahala Tiangco na ang wagas na paninilbihan sa bayan ang siyang tanda ng tagumpay ng NAMRIA sa loob ng mahabang panahon. Hinimok niya ang mga kawani na mangakong patuloy na magbigay ng de-kalidad na pagsisilbi sa bayan.
 
Mensahe ni Tagapamahalang Tiangco
-– VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
Sumunod ay binigyan ng parangal ang mga natatanging kawani ng NAMRIA pati na rin ang mga nagwagi sa Patimpalak sa Larangan ng Palakasan.  Nagbigay din ng espesyal na bilang ang NAMRIA Chorale.
 
Pagbibigay ng parangal sa mga natatanging kawani ng NAMRIA 2018 - - VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
Ang tropeo ay iginagawad sa SSB bilang 2019 NAMRIA Kampeon sa Palakasan - - ERLITO P. SABEROLA 
 
Inilunsad din sa araw na ito ang NAMRIA Coffee Table Book kung saan nakapaloob ang mga piling larawan na kuha ng mga retratista ng NAMRIA.  Ang pagtatanghal ng bawat sangay ng NAMRIA ang sumunod bago magtanghalian.
 
Paglulunsad ng NAMRIA Coffee Table Book -- ROWEL P. RAZAL
 
Pagtatanghal ng Pistang Sinulog ng sangay ng Hydrography - - VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
Pagtatanghal ng Pistang Pintados ng Resource Data Analysis Branch - - VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
Pagtatanghal ng Pistang Ibalong ng GISMB - - ERIBERTO N. BRILLANTES
 
Pagtatanghal ng Pistang Kadayawan ng MGB - - VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
Pagkatapos, nagkaroon ng paggawad ng gantimpala sa mga nagwagi sa patimpalak sa pagtatanghal ng bawat sangay ng NAMRIA at Reyna ng Kapistahan kung saan nagwagi ang Mapping and Geodesy Branch (MGB) at si Lady P. Smith ng Geospatial Information System Management Branch (GISMB), ayon sa pagkakabanggit.
 
Si Lady P. Smith ng GISMB ang nagwagi bilang Reyna ng Kapistahan. - - VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
Ang MGB ay una sa patimpalak sa pagtatahanghal ng bawat sangay. - - VENER QUINTIN C. TAGUBA JR.
 
 Mga palarong ginanap sa anibersaryo ng NAMRIA -- ROWEL P. RAZAL  



Readers can email newscoop@namria.gov.ph or fax letters to +63-2 884-2855 for their comments and suggestions.






Top Page